Thursday, December 16, 2010

Guardians nga ba ako....parang hindi....

Ipinanganak sa Tondo, Manila, nagka-isip sa Pandacan, lumaking tarantado, pala-away at gusto laging pinag-uusapan.....pero noon iyon, simula ng magka-asawa at magka-anak ay nabago ang buhay, naging matulungin sa kapwa, at napakababa ng loob kung tungkol sa mahihirap nating kababayan ang tutulungan, at lalong-lalo na kung ito ay tungkol sa kabataan.....

Ako po iyon...si "Founder Jimrey" sa kapatiran ng Guardians, ako na laging nagtatanong sa sarili.....Guardians nga ba ako....parang hindi...

Napakalaking katanungan sa akin kung ako ba ay isang lehitimong GUARDIANS o isang may tattoo lang na nagpapasikat dahil natatawag na Guardians...taong 2004 ng ako ay pumunta sa aking bilas na si "Founder GLS" at nakita ko ang marka o tattoo sa kanyang mga kamay....

Sabi ko..bilas kung kailan ka pa tumanda saka ka yata nagpakabuwang, isa kang tituladong tao, galing sa isang malaking kumpanya, isang pinuno sa inyong sangay...ano ba ang nakain mo at nagpa-tattoo ka ng ganyan....

Sabi niya...alam mo bilas nasama ako sa isang napakaganda at napakabuting organisasyon, ito yung tinatawag nilang "Guardians"...di ba may ambisyon ka ding tumulong sa ating bansa...halika....tignan mo itong SEC Registration namin...isa ako sa mga Direktor nito....

Sa isip ko, ano ba ito at bakit may patattoo-patattoo pa....aber tignan ko nga at baka sakaling ma-enganyo ninyo ako....at binasa ko ang article of corporation nila, at sa isip ko maganda nga ito....pero nagtanong din ako...bilas ang nakarehistro ninyong pangalan ay "United Guardians Party"...bakit ganoon ito, kasali ba kayo sa Partylist na kakandidato...yes bro, at dahil alam ko na may ambisyon ka ding makatulong sa bansa natin kaya isasali kita dito.....

Di puwede bro bilas, nabasa ko na kailangang kang maging isang "Professional" bago ka masali dito kaya di ako puwede...junior executive nga ako sa PLDT pero bago ko nakuha ang puwesto ay nagumpisa ako sa mababa at lahat ng promotion ay examen lang pero hindi ako nakatapos ng kolehiyo...

Bakit bro, di ba ginagawa sa kumpanya ninyo na two years in management ay equivalent to one year in college...ilang taon ka ba na naging management....bilang ko sixteen, pero di na ginagawa sa amin yun ngayon...dumikit ka lang sa FVP sigurado madaling maging executive ka, performance mo walang sinabi.....

Nag-drama ka pa sabi niya, sige ako bahala sa iyo, papatawag ako ng mag-ta-tatoo, at patatatuan na kita, ang importante ang kahalagahan mo sa ating bayan, kilala kita, matulungin ka at iyan ang isa sa mga prinsipyo ng "Guardians"...

True to his words, nagpatawag ng magta-tattoo si "Founder GLS"....sabi ko mabigat nga itong si bilas sa organisasyon ng "Guardians", aba'y wala pang kalahating oras nandidiyan na ang magta-tattoo....

Aba bilas, baka magalit ang kumander ko dito, baka sabihan akong tanga, alam niyang inis ako sa mga nagpapatattong babae...tapos ngayon eto ako...babae iyon sabi niya, saka dito hindi mababale-wala ang tattoo mo at gagalangin ka.....palalagyan kita ng ranggong "Founder", sunod yan sa "Supremo"..."Founder" dahil isa ka sa mga unang miyembro ng "UGP".....anong supremo, di ko alam iyang ranggo, kahit na janitor pa-tattoo mo...ang importante sa akin, makakatulong ako sa bansa natin....baka auxi ibig mo sabihin..sabi niya...di ka puwede doon....sabi niya ulit na hindi ko pa maintindihan noon....

Sa oras na iyon..nalagyan ako ng tattoo, sabi ko... bilas kailan ko ba makikilala ang ibang Director ng Organisasyon natin...mamaya burahin itong tattoo ko dahil wala silang alam dito....huwag kang mag-alala at akong bahala kay "Supremo Bu..., tinimbre na kita kanina...siya ang kausap ko sa cp ko...

Sa pag-alis ko sa bahay ni "Founder GLS"...tuwang-tuwa ako, dahil sa totoo lang..ito ang hinahanap kong grupo...lalo na ng malaman ko ang ibig sabihin ng "GUARDIANS"..ito nga yung "Gentlemen and United Associates of the "Filipino" Race, Dauntless and Ingenious Advocators for Nation and Society"...ang ganda ano po, at sa "Wikang Filipino"...ito ang ibig sabihin..."Mga maginoo at nagkakaisang katuwang ng lahing "Pilipino", magigiting at matatapat na tagapagturo at tagapagtangol ng bansa at lipunan"....

Ang galing, ang ganda, at kung isa ka sa mga miyembro nito, kikilabutan ka sa sandali ng gumagawa ka ng mga bagay na tutulong sa iyong bansa, sa isip mo...suwerte ka at napabilang ka sa mga ganitong tao at grupo...

Wala pa halos akong tulong na nagagawa sa mga kababayan ko liban sa pamamahagi ng mga pangkalusugan produkto...ng libre..dahil kasalukuyan ko pa itong pinag-aaralan pero tunay namang epektibo.... nang maaprobahan naman ang aking visa sa America...tumagal ako doon ng tatlong taon na patuloy na pag-aaral tungkol sa kalikasan at kalusugan ng tao...dahil taong 2000 ay isa na akong "Makakalikasan"..pero patuloy pa ding iniisip ang kalagayan ng aking mga kababayan...at ang nilakihan kong lugar at sinilangan...ang "MANILA".....

Taong 2008 ng muli akong makatungtong sa lupa ng aking bansa...parang napakarami ng nagbago..mayroon na palang MOA ngayon na maipagmamalaki ng aking bansa....medyo tumanda na ang mga kakilala ko....katulad ni "Founder GLS"...wala na din ang "United Guardians Party"....sa GCFI pala sila nasama noong nakaalis ako....pinatalsik sila at ngayon ay may sariling ng grupong GMP.."...

Siguro mga tatlo o apat na araw lang ng ako ay dumating ay napuno ang bahay ko ng mga "Guardians"...kasama si Supremo Bu..., at si "Founder GLS"...ang pakay ay ang paglilinis ng ilog...ang akala pala ni Supremo..sayantista ako, at ito ay dahil siya ay napagaling ko sa karamdaman noong ako ay hindi pa pumupunta sa America....

Ang pakay nila ay ang mga namamatay na mga ilog...ang pakay ko sa pag-uwi ay ang paglilinis ng mga ilog...na isa ang "Meycauayan River" na malapit sa kasalukuyan kong bahay sa "Pilipinas" ang ideneklarang pinakamaruming ilog sa buong mundo ng blacksmith Institute ng New York....

Inampon ako ng grupong ito...at sumasama ako sa mga markings....dito ako laging sumusumpa ng pagiging "GUARDIANS' sa tuwing may markings....kilalang-kilala na si "Founder Jimrey" sa grupong ito dahil sa dami ng napapagaling ng aking produkto....ng libre...ito yung "BIO-ALCA VIRGIN OIL" Food Supplement....

Hangang sabihan ko sila ng "Gawin na nating produkto itong BIO-ALCA...at gawin nating tagapamahagi ang GMP.., at baka maubusan ako ng pondo ay wala na tayong maibigay....habang hindi pa natin nalilinis ang ating mga kailogan....na agad nilang sinang-ayunan....

Ang una naming produkto ay iniba ko ang pangalan...ito yung "ES-VCO Extract" na pareho din ang nilalaman na produkto ng "BIO-ALCA VIRGIN OIL"....sa hindi ko malamang dahilan...dikta yata ito ng nasa itaas....ng ating "Diyos" dahil ayaw niyang masira ang aking inumpisahan....

Alam ninyo ba kung bakit ako itinakwil ng "GMP..", ito ay dahil sa simpling salita na: I-audit na nga natin ang sales natin at mukhang napupunta sa hindi maganda ang ating kinikita...pinapautang kasi nila ito sa mga miyembro at laging sinasabi di pa nagbabayad...pero gina-gastos sa pansariling interes...wala na akong pansuweldo sa mga nagtratrabaho...kaya ako nagsalita ng ganoon.....mali ba ako...

Sa madaling sabi...gumawa sila ng galit, at itinakwil ako sa grupo, pero hindi naman lahat ay naniniwala sa grupo nila....maraming umayaw at sumama sa akin...kaya balik sa zero ang mga naumpisahan namin...paglilinis ng ilog at kalusugan ng mamamayan....

Ipinasiya ko na gumawa ng isang "Foundation"...pero hindi ito paksyon o organisasyon....yung mga kumalas sa grupong GMP.. ay nagtulong-tulong para maitayo ito..kasama ang ilang sibilyan o hindi "GUARDIANS"...ito nga yung "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc."...at napagtagumpayan naman na maitayo, kasama pa ang pagkuha ng lesensiya sa "Department of Social Welfare and Development"...ang unang "Makakalikasang Grupo" na nakakuha nito....

Pero dahil sa may kakabit na pangalang "Guardians" ang ating "Foundation" ay nahihirapan akong mangumbinsi ng mga tutulong sa ating foundation para magawa ang mga makakalikasang proyekto...pero hindi ko na puwedeng tangalin ang naka-tattoo sa aking balikat, at hindi ko puwedeng balewalain ang aking mga sinumpaan....ang pagtuturo sa ating mga kababayan...sa kaunlaran at kalusugan...at mananatili akong isang "GUARDIANS" hangang ako ay nabuhuhay....at lalong hindi ko na puwedeng tangalin ang pangalan "Guardians" sa ating ""Foundation"...dahil lang ba sa katarantaduhan ng mangilan-ngilan....

Kaya ko laging itinatanong sa sarili kung.....Guardians nga ba ako, dahil ito po sa ibig sabihin ng "GUARDIANS" na makikita ninyo sa itaas....sa lahat ng paksyon ng "Guardians"...siyento kuwarenta na po yata...at may labindalawang milyong miyembro....iba-iba ba tayo ng pagkakaintindi sa ibig sabihin nito, bakit hindi tayo magkaisa at tulungan ang ating mga kababayang naghihirap at gayundin ang namamatay nating kalikasan....

Sa panahong ito na napakarami natin...kung totoo ito, ay tamang-tama para sumagip ng ating namamatay na kalikasan....di lang dito sa ating bansa, kung hindi maging sa ibang bansa...magpakatotoo lang tayo, at isiping napakapalad natin na mabilang sa isang paksyon na tunay na ginagawa ang kahulugan ng salitang "Guardians"...at ito po ay ang inyong kasalukuyang paksyon...

Sa taong 2011...ang lahat ng "Pilipino" ay ating hihikayating tumulong sa namamatay nating kalikasan, maging mahirap man o mayaman, matalino man o mangmang...sa pagkakataong ito, aking papaki-usapan ang aking mga kapatid na "Guardians" na tayo na po ay magkaisa na turuan ang ating mga mahihirap na kababayan kung paano ang mga gagawin para i-angat ang kanilang mga pamumuhay...sa pamamagitan ng mga pangkabuhayan proyekto (Livelihood)na tutulong sa ating kalikasan....tama po....mga proyektong sasagip sa ating namamatay kalikasan...at sa ating bansa....at susunod na henerasyon ng ating lahi...

Ang inyong lingkod..si "Founder Jimrey" ay walang paksyon o grupong matatawag...may dalawang malalaking paksyon na nag-iimbita sa akin para sumali sa kanila...kung gagawin ko ito ngayon...mawawala ang misyon ng ating "Foundation"...ang pagkaisahin ang lahat ng "Guardians" sa pagtulong sa ating bansa at kalikasan....pero gagawin ko din iyon sa hinaharap...ang pagsama sa isang paksyon na maituturing kong tunay na sisimbolo ng pagiging "Guardians"...kahit na tangalin pa ang ranggo kong "Founder"...at ibaba ako...as long... na makikita ko na sila ay tunay na tutulong sa ating kalikasan at bansa.....

Sa dalawang ito...mas pinipili ko ang "Guardians Brotherhood Inc. Mainstream"...sa dalawang kadahilanan....sila ang una at hindi nangaya...at ang kasalukuyan nilang "Prime Minister" si " Atty. Antonio "NF Tony" De Guia ay siyang kasalukuyang "Legal Adviser" at isa sa mga Director ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc."!

GOD Bless po sa inyong lahat ng "Guardians" at ipagpatuloy po sana ang inyong nasimulan, walang po sanang iringan sa kapwa Guardians at lahat ay isa-isip ang pagkakaisa at pagmamahalan...at lagi po sanang tandaan...ang pagsama o pagsapi sa ating "Foundation" ay hindi nanga-ngahulugan ng pag-alis sa inyong paksyon o organisasyon...

Salamat po at mabuhay kayo,

Jaime Leandro "Founder Jimrey" Flores Reyes
Chairman - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.
Up to March 13, 2011

Kung nais makita ang iba ko pang blog...klik lang po ang ibaba ng "Blogger Page"...